Mga vaccination site sa Marikina City, isasailalim sa disinfection

41

Inihayag ng Marikina City government na wala munang bakunahan ngayong araw sa lahat ng mga vaccination site maging sa Marikina City Sports Complex.

Ayon kay Marjorie Espiritu, security guard ng Marikina Sports Complex, ipagpapatuloy na sa Lunes, December 6 ang pagbabakuna sa mga menor de edad, adult at mga priority group dahil isasailalim sa disinfection ang lahat ng mga vaccination site ng lungsod.

Matatandaan na umani ng papuri mula sa Department of Health ang Marikina City government dahil sa maayos at disiplinadong pagpapatupad ng social distancing alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force.


Hinikayat din ng Local Government Unit ang mga residente na hindi pa naturukan ng lungsod na magpabakuna sa darating na Lunes, December 6 upang maprotektahan laban sa COVID-19.

Facebook Comments