MGA VEHICLE OWNERS SA REGION 1, INABISUHANG KUNIN NA ANG PLAKA BAGO ANG IMPLEMENSYON NG ‘NO PLATE, NO TRAVEL’ POLICY

Inabisuhan muli ng Land Transportation Office Region 1 ang mga motorista na bumisita sa mga District Offices upang makuha na ang kanilang plaka bago pa ang istriktong implementasyon ng ‘No Plate, No Travel’ Policy simula Oktubre.

Tuloy-tuloy rin ang kampanya at pagbibigay ng information materials sa mga driver sa rehiyon upang lubos maunawaan ang nilalaman ng polisiya upang maiwasang lumabag.

Kabilang din ang paalala sa pagbabawal sa overloading sa mga pampublikong transportasyon na nakasaad sa Anti-Sardinas Policy ng ahensya kasabay ng ikinasang inspeksyon sa mga kakalsadahan at terminal sa Tagudin at Vigan, Ilocos Sur.

Iginiit ng LTO, pinalawig ang operasyon ng ilang District Office sa rehiyon hanggang Sabado upang tuluyang maipamahagi na ang backlog sa plaka simula 2017 o mas maaga, maging sa mga accredited dealers para sa mga rehistradong sasakyan simula 2018.

Dalhin lamang ang kopya ng Official Receipt, Certificate of Registration at Valid ID upang makuha ang plaka ng sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments