Mga vendor, bawal na sa mga lugar na dadaanan ng andas ng Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Magpapatupad na ng ‘no vendor policy’ sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong taon para maiwasan ang taun-taon dami ng kalat na naiiwan.

Ayon kay Manila City administrator Erikson Alcovendaz, pagbabawalan na ang mga vendor sa lahat ng lugar na pagdarausan ng mga aktibidad sa kapistahan ng Black Nazarene.

Partikular sa Quirino Grandstand, sa palibot ng Quiapo Church at sa lahat ng rutang tatahakin ng traslacion.


Aminado naman si Alcovendaz, na naging maluwag ang lokal na pamahalaan at ang organizers ng aktibidad noong mga nagdaang taon kaya nagiging problema lagi ang tambak na basura sa kalsada.

Kasabay nito, umapela naman si Alcovendaz sa mga vendor na huwag na munang maglagay ng pwesto sa mga lugar na sila ay ipinagbabawal mula January 8 at 9 dahil huhulihin sila ng mga pulis.

Facebook Comments