Cauayan City, Isabela- Mahigpit na babantayan ngayong Yuletide season ng PNP Cauayan katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga firecracker vendor’s sa Lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nasa 18 lamang na mga vendor sa Lungsod ng Cauayan ang nabigyan ng lisensya mula sa Civil Security Group Region 02 na maaaring magbenta ng mga paputok.
Ayon sa PNP Cauayan, lahat ng mga magtitinda na hindi kabilang sa 18 na lisensyado ay kanilang huhulihin kahit nasa loob ng palengke o sa designated area na pagbebentahan ng mga firecrackers.
Pakiusap naman ng pulisya sa mga lisensyadong magtitinda na dapat sundin ang kanilang mga kautusan at nararapat sa kanilang pagbebenta ng mga paputok upang makaiwas sa anumang peligro.
Facebook Comments