Mga vendor ng school supplies sa Divisoria, naghahanda na sa pagdagsa ng mga mamimili

Naghahanda na ang mga nagtitinda ng school supplies sa Divisoria para sa posibleng pagdagsa ng mga mamimili, sa gitna ng nalalapit na pagbubukas ng klase.

Mayroon na lamang kasing tatlong araw ang mga magulang at mag-aaral para mamili ng school supplies.

Sa Divisoria Market, nakalatag na ang ilan sa mga abot-kayang presyo ng school supplies tulad ng:


• 10 pirasong notebook – ₱170 – 180
• 3 hanggang 12 pirasong Ballpen – ₱20 – P70
• Crayons – ₱35 – ₱75
• Pencil case – ₱10 – ₱65
• Payong (pambata) — ₱100

Ayon sa mga nagtitinda ng school supplies, ito na ang kanilang pagkakataon na muling makabangon matapos matengga ng dalawang taon dahil karamihan ay nag-kaklase na online at modular.

Nakatakdang magsimula ang klase sa Lunes, Agosto 22, na magiging transition period para sa mandatory 5 days face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa Nobyembre 2022.

Facebook Comments