Mga vendor sa tapat ng Manila North Cemetery, kusang lilipat ng pwesto para sa Undas

Kusang lilipat ng pwesto ang mga vendors sa tapat ng Manila North Cemetery.

Ito’y sa panahon ng Undas kung saan susunod sila sa kautusan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at pamunuan ng nasabing sementeryo.

Nabatid na ililipat sila sa gilid ng Manila North Cemetery partikular sa kanto ng Dimasalang Street at Blumentritt Road.


Ilan sa mga binebenta ng mga vendors ay mga kandidala kung saan ang presyo nito kada isang piraso ay P5.00 ang pinakamaliit, P10.00, P15.00, P20.00 hanggang P100.00.

Ang mga bulaklak naman na itinitinda dito ay nasa P100.00 ang maliit na paso, P200-P250.00 ang mga nasa maliit at malaking basket.

Posible naman tumaas ang preayo ng mga kandidala at bulaklak na ibinebenta sa labas ng Manila North Cemetery bago at matapos ang Undas.

Facebook Comments