Mga vendors ng pampublikong palengke na hindi magpapa-swab test, binalaan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila

Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga vendors sa 17 public market na tatanggalin niya ang pribilehiyo ng mga ito kung hindi sasailalim sa swab test.

Ayon kay Mayor Isko, wala ng dapat pang idahilan ang mga nagtitinda sa mga pampublikong palengke na hindi sumalang sa swab test dahil libre naman itong ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, inatasan ng alkalde si Zenaida Mapoy, ang Market Administrator na huwag pagtindahin ang mga vendors sa mga public market na ayaw magpa-swab test.


Nabatid na nais lamang ni Mayor Isko na mapangalagaan hindi lamang ang kalusugan ng mga vendors kundi maproteksyunan rin ang mga mamimili kung saan ang mga nagtitinda at pwesto sa pampublikong palengke ay nasa ilalim ng pangangalaga ng lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Mayor Isko na ang mga vendors sa public market ang siyang araw-araw na nakakasalamuha ng ilang indibidwal kaya’t maiging masiguro na lgitas sila sa o hindi carrier ng virus.

Aniya, paraan din daw ito para mapigilan o makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments