MGA VENDORS SA PANGASINAN, NAGPAHAYAG NG HINAING KASUNOD NG PAGKAKAAPEKTO NG MGA ITO DAHIL SA BIGTIME OIL PRICE HIKE

Hindi na lamang mga motorista ang may pangamba sa nagaganap na malakihang taas presyo ng produktong petrolyo, maging ang mga tindera at tindero na rin.

Ayon sa ilang vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan sa Pangasinan, problema na rin ng mga ito ang inaasahang karagdagang gastos dahil sisipa sa hanggang limang piso ang kada litro ng langis.

Direkta umanong bawas na ito mula sa kabuuang pagkakakitaan dahil sa kinakailangang paggamit ng langis sa pagtransport ng kani-kanilang mga paninda papunta sa merkado.

Dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, walang garantiya sa stable na presyuhan sa produktong petrolyo.

Samantala, umaasa ang mga ito na matuldukan na umano ang kaguluhan lalong lalo na kasabay ng pagtaas ng langis ay ang mataas nang presyo ng mga pangunahing bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments