Mga video expose ni Zaldy Co, tila naging comedy series na —Palasyo

Tila naging na “comedy series” na umano ang ikatlong video expose ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co dahil sa kawalan ng malinaw na ebidensiya at paulit-ulit na script.

Sa pinakahuling video na inilibas ni Co, nakasaad na may P56 bilyong kickback umano sina Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez mula sa mga maanomalyang flood control project.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mistulang gawa-gawa lang ang mga paratang dahil walang maipakitang dokumento o konkretong detalye ang dating Kongresista.

Nasa P194 bilyon aniya ang vineto ng Pangulo na mas malaki kaysa sa sinasabing P100 bilyon na umano’y ipinainsert ng administrasyon, kaya hindi umano tugma ang kuwento.

Hindi rin akma ang mga petsa sa mga maletang ipinakita ni Co, dahil November 2024 pa nagsimula ang BICAM para sa 2025 budget.

Imposible raw na may “deliveries” ng Enero hanggang Oktubre 2024 kung wala pang BICAM noon.

Kaya ang tanong Palasyo, saan nanggaling ang pera na binabanggit ni Co kung mula ito sa 2025 budget.

Facebook Comments