Mga violator sa minimum public health standards mahigit kalahating milyon na ayon sa PNP

Umabot na sa 566,177 ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa mga umiiral na minimum public health standards mula noong March hanggang May 7, 2021.

Mahigit 219,000 sa mga ito ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng face shield.

Sa bilang ng mga nahuli, mahigit 185,000 ang binigyan ng warning, mahigit 28,000 ang pinagmulta, at mahigpit 6,000 ang sinampahan ng kaso.


Mahigit 226,000 naman ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng facemask; kung saan mahigit 127,000 ang binigyan ng warning, mahigit 81,000 ang pinagmulta, at mahigit 18,000 ang kinasuhan sa korte.

Mahigit 3,000 naman ang nahuling nagsasagawa ng mass gathering.

Habang mahigit 115,000 ang mga nahuli sa paglabag sa physical distancing.

Tiniyak naman ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, sa kanyang pag-upo bilang PNP Chief na wala sa mga maaaresto dahil sa paglabag sa minimum health standards ang makukulong, dahil agad nila itong pauuwin matapos imbestigahan at sampahan ng kaso kung kinakailangan.

Facebook Comments