Mga violators na nahuli sa Valenzuela, isinailalim sa COVID-19 awareness lecture

Isinailalim sa COVID-19 awareness lecture ang nasa 52 katao na lumabag sa “stay-at-home” ordinance na ipinatutupad ng pamahalaang lokal ng Valenzuela sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng nabanggit na lugar, karamihan sa mga nahuli ay mga lumabag sa curfew hour kung saan, idinala ang mga ito sa St. Jude basketball court, malinta para bigyang kaalaman kaugnay sa COVID-19.

Sinabi naman ng mga Local Government Unit (LGU) na ang mga mahuhuling lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng ₱5,000 kung saan, exempted sa nasabing ordinansa ang mga frontliners, authorized government personnel, at mga may essential duty sa labas ng bahay.


Samantala, inaresto naman ng mga otoridad ang dalawang indibidwal matapos magsagawa ng penitensya sa Pasay City sa kabila ng ipinatutupad na Luzon-wide lockdown sa buong Luzon.

Ayon kay Pasay City Police Acting Chief Police Colonel Ericson Dilag, bukod pa sa dalawa, ay mayroon pang 9 na iba pang naaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police Station kaugnay sa isinasagawang ‘Oplan Bandillo’.

Agad na dinala sa Villamor Airbase Elementary School sa Barangay 183 ang mga inaresto para bigyan ng kaalaman patungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Una nang ipinagbawal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko ang pagsasagawa ng prusisyon at visita iglesia ngayong mahal na araw dahil sa ipinatutupad ng ECQ.

Facebook Comments