Mga vloggers na nagpapakalat ng fake news, pinapa-imbestigahan at pinakasuhan sa NBI at PNP

Hiniling ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at iba pang kaukulang ahensiya na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa mga vloggers na nagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Barbers, habang papalapit ang halalan sa may 12 ay maraming mga vloggers ang umano’y binabayaran ng mga pulitiko para sirain ang reputasyon ng mga kalaban nila sa eleksyon.

Nakakabahala para kay Barbers ang dumaraming vlogger na nagmamanipula ng video interviews, nagtatakda ng sariling news agenda at nagpapakalat ng mapanlinlang o gawa-gawang online content.

Giit ni Barbers, dapat habulin, imbestigahan at kasuhan ang nabanggit na mga vloggers na kinukuha ng mga politiko lalo na sa local level para maghasik ng kasinungalingan laban sa kanilang mga kalaban.

Facebook Comments