
Todo panawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga gustong mag-volunteer para makatulong sa pagre-repack ng family food packs.
Ayon sa DSWD, ang repacking ng food packs ay isasagawa sa Visayas Disaster Resource Center sa Tingub, Mandaue City.
Sinabi ng DSWD na dalawang shift na pagpipilian ang mga volunteer, una sa umaga at sunod sa hapon.
Maaari rin umano silang manatili nang matagal sa pagtulong kung nanaisin o depende sa kanilang availability.
Ang mga ihahandang food packs ay para sa karagdagang stocks ng DSWD na ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad.
Facebook Comments









