Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na makakatanggap ng kompensasyon ang mga magboboluntaryong maging subject sa COVID-19 vaccine clinical trials.
Nabatid na nakatakda ang Pilipinas na sumali sa iba’t ibang clinical trials para sa COVID-19 vaccines tulad ng solidarity trial ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay DOST Philippine Council for Health Research Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, sakop ng kompensasyon ang inilaang oras ng mga indibidwal para sa trials.
Dagdag pa ni Montoya, ang mga ‘trialist’ o mga kumpanya na magsasagawa ng trials ay maaring magbigay ng maliit na kompensasyon sa mga test subjects.
Hindi dapat magbigay o mag-alok ng malalaking halaga dahil mas lalo itong maghihikayat nang marami para sumali sa pag-aaral na maituturing na unethical.
Sinabi naman ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, ang volunteer subjects ay kailangang mag-sign up para sa pag-aaral at dapat maunawaan nila ang benefits ng trial.
Ang clinical trials ng Russian COVID-19 vaccine na ‘Sputnik V’ ay isasagawa sa Pilipinas.