Inilunsad ng isang grupo ng mga volunteers mula sa PSU-Bayambang ang tinaguriang ‘Project Aral’.
Inilunsad ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng mga ito sa SK Federation kung saan nagtungo ang mga ito sa ika-sampung barangay partikular sa Barangay Hermoza Covered Court.
Ang kada session ng Project Aral ay nagbibigay sa mga kabataan sa kanilang bayan ng kasiyahan sa pakikinig sa mga group lectures at mga educational activities.
Suportado naman ng Sangguniang Kabataan ang mga ganitong klaseng proyekto para sa mga kapwa nila kabataan kung saan ay nagbigay rin ang mga ito ng snacks at school supplies. |ifmnews
Facebook Comments