Mga voter registration sa mga mall, mahigpit na binabantayan ng PNP

Nakatutok ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagaganap na voter registrations sa mga mall sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa upang matiyak na naipapatupad pa rin ang minimum health standards.

Ayon kay PNP chief, dapat ay hindi maging super spreader events ang voter registrations sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Eleazar, maaring dagsain ang mga satellite voter registration sa mga mall lalo na sa mga huling araw ng buwang ito kaya dapat ay paghandaan ito dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya kung saan ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan.


Ang deadline para sa voter registration ay hanggang sa September 30 na lamang.

Utos ni Eleazar sa mga chief of police, makipag-ugnayan sa management ng mga mall partikular sa kanilang mga security staff para sa pagpapatupad ng health and safety standards.

Facebook Comments