Mga VRVM sa ilang eskwelahan sa Binmaley Pangasinan hindi napakinabangan!

Binmaley Pangasinan – Bumalik sa paggamit ng Election Day Computerize Voters Lists o mano manong pagberipika ng mga botante. Ito’y matapos hindi gumana ang Voter Registration Verification Machines (VRVM) sa pagbubukas ng botohan kaninang umaga.

Sa panayam natin kay Mr. Richard De Guzman, DESO Supervisor Official ng Palyas-Papagueyan Binamaley Pangasinan na may higit dalawang libong mga botante kung saan tatlo sa apat na VRVM nito ang pumalya sa pag-uumpisa pa lang ng botohan. Napilitan ang mga BEIs na bumalik sa manual verification sa pamamagitan ng paggamit ng EDCVL.

Dagdag pa ni De Guzman hindi lamang ang kanilang nasasakupan ang nakakaranas nito kundi marami pang mga clustered precincts sa bayan ng binmaley base narin sa kanilang information sharing. Sa kabuuan naman naging matiwasay parin ang pagboto ng mga residente sa kabila ng aberya.


Facebook Comments