Mga Wagi sa Bambanti Festival 2019, Iaanunsyo na Ngayong Gabi!

City of Ilagan, Isabela – Mamayang gabi iaanunsyo na ang mga nanalo sa iba’t ibang kumpetisyon sa Bambanti Festival sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, kanyang ibinahagi na ngayon ang pinakahuling araw ng isang linggong pagdririwang ng Bambanti Festival sa Isabela.

Kagabi natapos ang Bambanti Festival Dance Showdown Competition, festival King and Queen at Street Dance Parade kung saan nakapagtala ang Isabela sa Guinness Book of World Record bilang pinakamaraming sumali sa sabay-sabay na pagsayaw na suot ang scarecrow costume.


Isa rin sa inaasahan ngayong gabi ang pag-aanunsyo ng pinakamagandang Agro Eco Tourism Booth kung saan nakahanay ang mga lokal na produkto ng bawat bayan sa Isabela na matatagpuan sa Bambanti Village sa harapan ng Provincila Capitol ng Isabela.

Samantala, pagkatapos ng deklarasyon sa mga nagwagi ay magtatanghal naman ang Buong Cast ng Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin as “Cardo Dalisay” at iba pang mga bisita ng nasabing aktibidad.

Facebook Comments