Mga ‘waitlisted’ na benipisyaryo ng SAP 2 sa Quezon City, makakatanggap na ng ₱8,000 na ayuda

Inanunsyo ng Quezon City Government ang muling pag-arangkada ng payout para sa ikawalang bugso ng pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa gobyerno.

Target mabigyan ng SAP 2 ang nasa ang 27,051 na mga benipisyaryo na nagsimula kahapon at magtatapos sa May 18.

Ayon sa QC-LGU, para hindi na magkalituhan kung sino-sino ang makakatanggap ay ipapaskil ito sa bawat barangay at may schedule ng pagkuha para rito para maiwasan ang dagsaan ng tao at masunod ang health protocol.


Samantala, hanggang ngayong araw na lang ang pagkuha ng ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagkakahalaga ng P1,000 kada isang tao o P4,000 kada pamilya.

Facebook Comments