Mga waitlisted SAP beneficiaries sa QC, matatanggap na ang kanilang ayuda ngayong araw

Matatanggap na ngayong araw ng mga residente sa lungsod ng Quezon na hindi nakakuha sa first batch at mga waitlisted sa Special Amelioration Fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang payout ng SAP ay ipagkakaloob ng DSWD at StarPay sa may 248,406 benepisyaryo sa Quezon City.

Isasagawa ang branch payout sa partner ng StarPay na M. Lhuiller at mobile payout sa USSC.


Magkakaroon din ng offsite payout o manual payout sa mga barangay ng Batasan Hills, Holy Spirit, Pasong Tamo, Commonwealth at Payatas.

Sabi pa ng DSWD, bibigyan ng kopya ng listahan ng benepisyaryo ang mga barangay at nakapaloob dito ang reference number at araw kung kailan ang schedule ng pagkuha ng ayuda.

Facebook Comments