Mga walang quarantine pass pinag-dadampot ng Cainta PNP

59

Walang kawala ang lahat na nadaanan na mga nasa labas at walang dalang Quarantine Pass na agad na isinasakay sa sasakyan ng Cainta Police.

Ayon sa Cainta PNP merong nasita dalawa ang kanilang Quarantine Pass kaya isinama din ito sa presinto.


Napag-alaman na  iba pa sa ipinapatupad na curfew sa gabi kaya umaga at gabi ay sisitahin na ang mga nasa labas maliban sa mga bibili ng pagkain at gamot ngunit dapat mayroong  Quarantine Pass at dapat isa lang bawat pamilya.

Nakikiusap naman si Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na sumunod lang ang lahat sa mga ipinapatupad ng Enhance Community Quarantine lalo na dapat sa bahay lang muna hanggang matapos ang Total Lockdown.

Facebook Comments