Mga walang trabaho na medical workers, dapat hanapin ng gobyerno para idagdag sa mga frontliners laban sa COVID-19 pandemic

Iminungkahi ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan na hanapin ang lahat ng mga healthcare workers na walang trabaho ngayon para idagdag sa mga frontliners laban sa COVID-19 pandemic.

Diin ni Villanueva, dapat matiyak na mabibigyan ng nararapat na kompensasyon at benepisyo ang naturang mga health workers na magpapalakas sa pwersa laban sa pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Kasabay nito ay ikinatuwa naman ni Villanueva ang agarang pag-alis sa deployment ban sa abroad para sa Filipino workers.


Ayon kay Villanueva, ngayon ay wala na ang panganib na mawalan sila ng trabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments