Mga walang trabaho sa Pilipinas, bumaba sa 2.26 milyon – PSA

Bumaba sa 2.26 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril kumpara sa 2.42 million na naitala noong buwan ng Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng 4.5% na national unemployment rate.

Samantala, bahagyang umakyat naman sa 12.9% ang underemployment rate na katumbas ng 6.20 million.


Ang mga underemployed ay ang mga may trabaho ngunit hindi angkop sa kanilang kasanayan o tinapos.

Facebook Comments