Pansamantala munang ititigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng walk-in transactions sa mga opisina ng Central at NCR simula sa Agosto 8 hanggang 14.
Kasunod naman ito ng pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila at ilang lalawigan.
Bilang pagsunod na rin ito sa patakaran ng MECQ na hanggang 50% lamang ang workforce na maaari sa isang opisina.
Ayon sa LTFRB, magpapatupad din ng skeletal workforce at work-from-home scheme ang ahensya.
Kaugnay nito, pinayuhan ang stakeholders at mga kliyente na gawin ang mga transactions online.
Magiging operational din ang Public Transportation Online Processing System (PTOPS) na sinimulan ng LTFRB-NCR noong Hunyo 2020.
Facebook Comments