Mga warehouse sa Valenzuela at Taytay, ni-raid ng Bureau of Custom at NBI

Aabot sa higit P60 milyong halaga ng mga produktong agrikultura at frozen products ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) matapos ang ikinasang raid sa dalawang warehouse.

Unang sinalakay ang isang warehouse sa Valenzuela City kung saan natapagpuan dito ang ilang sako-sakong mga imported na pula at dilaw na sibuyas, bawang at munggo na tinatayang nasa P15 milyon ang halaga.

Sangkaterbang imported products nanan ang bumulaga ng inspeksyunin ng BOC at NBI ang isang warehouse sa Taytay, Rizal.


Tinatayang nasa P50 milyong halaga ng frozen na manok, baka, baboy, sausages, butter at iba pang produkto ang nakita sa nasabing warehouse.

Kaugnay nito, pansamantalang isinara at nilagyan ng selyo ng BOC ang mga nasabing warehouse para masigurong hindi mailalabas ang mga nabanggit ma produkto.

Hinihintay rin ng BOC na ipakita sa kanila ng may-ari ng warehouse ang mga kaukulang dokumento tulad ng proof of payment sa duties at taxes.

Sakali naman na mabigo, kukumpiskahin ng Customs ang mga nasabing produkto base sa isinasasaad na batas ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Facebook Comments