Mga watawat sa istasyon ng MRT-3, naka-half-mast bilang pakikiisa sa mga nasawi sa C-130 plane crash

Nakikiisa ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa ng sambayanan sa pagluluksa sa mga nasawi sa C-130 plane crash sa Patikul, Sulu.

Inilagay ngayon sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa mga istasyon at depot ng MRT-3 bilang pakikipag-dalamhati sa pamilya ng mga nasawi.

Patuloy na ibababa ang mga watawat hanggang Biyernes, ika-9 ng Hulyo 2021, bilang pagbibigay-pugay sa mga biktima.


Ayon pa sa MRT management, ito’y pagbibigay-pugay na rin sa mga miyembro ng sandatahang lakas na tapat at buong katapangan ang nagsisilbi sa bayan.

Facebook Comments