Mga water concessionaires, pinag-iinvest nang husto sa mga water infrastructures

Kinalampag ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang mga water concessionaires na mag-invest nang husto sa mga kinakailangang water infrastructure.

Kasunod na rin ito ng plano ng MWSS na bawasan ang water pressure dahil sa pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam bunsod na rin ng epekto ng El Niño.

Giit ni Poe, parang déjà vu na paulit-ulit na lang natin nararanasan ang kakulangan ng tubig tuwing panahon ng tag-init.


Aniya, ang El Niño ay isang nakikitang climate pattern kaya dapat ay palaging handa ang mga kaukulang ahensya at mga water concessionaires sa pagtiyak ng sapat na suplay ng tubig.

Dapat aniyang mag-invest nang husto at madaliin ng mga water concessionaires ang pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastraktura at pasilidad para sa pagtiyak ng suplay ng tubig.

Ipinunto pa ni Poe na ang mga kabahayan, mga negosyo, paaralan at mga consumers ang higit na apektado kapag kulang o walang suplay ng tubig sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments