Hindi pa naman inaanusyo ng PAGASA na panahon ng tag-ulan pero ramdam sa Dagupan City ang pag-ulan na may kasama pang pagkulog at kidlat nitong mga nakaraang araw at sinabayan pa ng ilang araw ring pagtaas ng tubig sa ilog at mga fish ponds sa mga Island Barangays.
Kaya naman ang mga nagtitinda sa palengke at ilang mga trabahador sa tabing ilog doble ingat lalo na sa kanilang kalusugan.
Ang iba, bota ang solusyon para hindi mabasa sa maruming tubig na naiipon galing sa buhos ng ulan at high tide.
Hindi rin naman daw sila pwede tumigil sa pagtitinda at pagtatrabaho dahil sayang ang kikitain sa isang araw. Sanay naman daw sila sa pagbaha dito sa Dagupan City pero ang hindi sila masasanay ay sa mga sakit na maaaring dalhin ng maruming tubig gaya ng leptospirosis.
Noong 5:00 am kahapon araw ng Lunes ay narasanan ang medyo makapal na hamog sa Dagupan City at makulimlim na kalangitan ngunit umaliwalas rin bandang alas otso ng umaga. |ifmnews
Facebook Comments