Mga women rights defender, binigyang pugay ng CHR ngayong Int’l Women Human Rights Defenders Day

Manila, Philippines – Binigyang pagkilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang libu-libong kababaihan na buong tapang na ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kababaihan at mga bulnerableng sector kasabay ng pagdiriwang ng International Women Human Rights Defenders Day.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, partikular na binibigyang pugay nila ay ang kababaihang na ang gawain ay pagtulong sa mga biktima ng human rights violation.

Aniya, lahat ng ito ay mga volunteer work pero, ang mga WHRDs na ito ay nahaharap din sa iba’t ibang anyo ng pag-atake tulad ng red-tagging, terrorist-labelling, illegal arrests at detention.


Hinimok ng CHR ang gobyerno na maglagay ngw mas mahigpit na accountability mechanism para maalis ang ganitong mga banta sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments