Mga wounded sa DOS explosion, ligtas na!

Apat ang sugatan sa nangyaring magkasunod na pag sabog ng Improvised Explosive Device sa Brgy. Semba, Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado alas syete kaninang umaga.

Sinasabing unang nangyari ang roadside explosion 7:20 ng umaga, naitala ito di lamang kalayuan sa Division Training Unit ng 6th ID ayon pa kay DOS PNP Chief of Police CIns Achmad Alibonga.

Sa ginawang pagresponde ng mga otoridad, muli itong nasundan ilang minuto ang explosion di lamang kalayuan sa unang pinagyarihan resulta ng pagkakasugat nina Brgy Semba Chairman Pendatun Sinsuat, Brgy Kagawad Sinarimbo Lalaog, PO2 Bobby Guialani Pendililang ng DOS PNP at Army Sgt. Eddie Cane ng DTS na kapwa nagtamo ng minor wounds.


May sangkap na mga pako, black powder mga wires at cellphone ang mga sumabog na IED, habang nagpapatuloy sa ginagawang imbestigasyon ang DOS PNP sa responsable sa pagpapasabog.

Kasalukuyang nasa ligtas ng sitwasyon ang mga naging wounded sa nangyaring explosion na agad ginamot sa Camp Siongco Hospital.

Photo Courtesy: JFU

Facebook Comments