MGA YOUNG CITY OFFICIALS AT DEPARTMENT HEADS SA DAGUPAN CITY, NANGUNA SA KAMPANYA KONTRA ILIGAL NA DROGA

Nanguna ang mga young city officials at mga department heads sa Dagupan City sa kampanya kontra iligal na droga sa lungsod sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga ito sa Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan Fun Run MYK Edition.
Sama-samang tumakbo sa fun run para sa kampanya sa pagpuksa sa iligal na droga ang DILG Dagupan, DepEd Schools Division Office, at mga MYK facilitators.
Pagkatapos ng fun run ay sumunod an ilang lectures naman ukol sa DILG National Anti-illegal Drugs na siyang isinusulong ni Secretary Benhur Abalos.

Ayon sa alkalde ng lungsod, ang mga sumabak na mga kabataang lider sa fun run na naganap ay inaasahan na mangunguna sa pagsusulong ng programa kontra illegal na droga sa kani-kanilang paaralan.
Dahil ang layon naman ng programang BIDA ay ang hindi limitado at hindi lamang iisang aksyon ang gagawin laban sa iligal na droga. |ifmnews
Facebook Comments