Pinatunayan ng mga batang atleta ng Pangasinan na pagdating sa larangan ng football ay hindi sila magpapatalo.
Sa naganap na 1st Tarlaqueño Football cup nitong December 21-22 sa San Miguel, Tarlac City, nagtunggali ang iba’t ibang koponan sa bawat categories.
Sa Women’s Open at Under 12 (U12) category ay tagumpay na naiuwi ng Aguilar Football and Futsal Team ang kampeyonato habang 3rd place naman sila sa Under 14 category.
Masaya ring ibinalita ng Lingayen Football Club na sila ang nag kampeyon sa Under 14-category.
Sa naturang football cup, lumaban ang mga Pangasinan athletes na ang mga naging katungali ay mula pa sa mga bayan ng Bulacan, Tarlac, at Maynila.
Samantala, nagpasalamat naman ang Aguilar Football and Futsal Team at Lingayen Football Club sa mga sumuporta sa kanila, mula sa pagdarasal hanggang sa mga pinansyal na tulong na kanilang natanggap.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨