Mga youth centered program, dapat nakaangkla sa drug war ng gobyerno – DILG

Plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na makapagsagawa ng mga aktibidad para sa mga kabataan na nakaangkla sa war on drugs ng pamahalaan.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na dapat nakatuon sa temang “no to drugs” ang mga youth-centered program ng mga Local Government Unit (LGU) at ng bawat barangay.

Aniya, maaring maipaunawa sa mga bata ang panganib sa kalusugan at buhay ng droga sa pamamagitan ng sports sa pagpinta o sa paligsahan ng pagkanta na maaring isagawa kada buwan.


Tiniyak din ng kalihim na puspusan at patitindihin pa ng Marcos administration ang kanilang isasagawang ‘war on drugs’ habang lumilipat ang kanilang pokus sa grassroots level, sa paghingi ng tulong sa mga komunidad.

Facebook Comments