Labing-anim na sumisigay o mga maliliit na mangingisda sa Dagupan City ang tumanggap ng insurance coverage claims na kanilang in-apply sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa tulong ng lokal na gobyerno.
Ang insurance coverage ay may halagang P187, 836 na personal namang iniabot ni Mayor Belen Fernandez.
Ayon kay City Agriculture Office (CAO) Officer-In-Charge Patrick Dizon, ang mga nakatanggap na mga mangingisda ay mga naapektuhan ng isolated fish kill na inireport sa CAO noong Oktubre, partikular na sa barangay Bonuan Gueset at Pugaro.
Tinanggap ng 16 na ‘sumisigay’ o mga maliliit na mangingisda sa Dagupan ang insurance coverage claims na kanilang in-apply sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa tulong ng lokal na gobyerno.
Ang mga apektadong mangingisda ay tumanggap ng mula P 3,045 hanggang P19,480 at nakadepende ito sa reported losses.
Ang kanilang natanggap na insurance coverage ay benepisyo ng pagkakaroon ng registered fish cage o permit sa ilalim ng LGU Dagupan.
Ito rin ay alinsunod sa Fishery Ordinance ng siyudad at pagtalima sa nakasaad na sukat, lokasyon, at distansya ng mga istrukturang pangisda. |ifmnews
Facebook Comments