MGB, inirekomendang bawiin ang suspensyon sa 91 quarry operators sa Bulkang Mayon

Inirekomenda ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na bawiin ang suspension order laban sa 91 quarry operators malapit sa Bulkang Mayon.

Nabatid na inireklamo ang mga nasabing quarrying sites dahil sa idinulot na mudflow o lahar kasabay ng pananalasa ng Bagyong Rolly noong Nobyembre.

Ayon kay MGB Director Wilfredo Moncano, 91 quarry operators mula sa 106 suspended quarry operators ay nakitang compliant habang ang natitirang 15 quarry operators ay mayroong permit violations.


Ipapadala na nila ang kaso ng 15 quarry operators sa Environmental Management Bureau (EMB) para sa technical review at posibleng sanction o penalty.

Agad ding magpapatupad ng agarang rehabilitasyon sa mga quarrying areas.

Ang 91 quarry operators ay maaaring magbalik operasyon pero sasailalim sa mahigpit na monitoring.

Bago ito, sinuspinde ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng quarry operations sa paligid ng Bulkang Mayon at bumuo ng task force na siyang sisilip kung may pananagutan ang mga ito sa mapaminsalang lahar flow noong nakaraang buwan.

Facebook Comments