MGCQ status sa Metro Manila pagsapit ng Nobyembre, hindi imposible ayon sa Palasyo

Hindi isinasantabi ng Malakanyang ang posibilidad na maisailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila pagsapit ng Nobyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi ito malabo dahil napababa natin ang COVID-19 cases sa bansa maging sa National Capital Region (NCR) na episentro ng virus.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos sabihin ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na siya ring Chairperson ng Metro Manila Council (MMC) na maaari nang gumraduate ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) sa Nobyembre kung mapapanatili ang magandang datos.


Sinabi rin nitong importanteng mapanatili ang pagbaba ng new COVID-19 cases habang nagdaragdag tayo ng critical healthcare upang kapag may panibagong mga kaso ay agad itong matutugunan lalo na ang critical at severe cases.

Importanteng factor din umano ang epektibong contact tracing at agarang isolation sa mga tinamaan ng COVID-19 upang hindi na sila makapanghawa pa ng iba.

Facebook Comments