*Cauayan City, Isabela*-Naniniwala si MGen. Pablo Lorenzo, Commander ng 5th ID na nutralisado na ang puwersa ng NPA sa mga lugar na nasasakupan ng 54th IB.
Sa naging pahayag ni MGen. Lorenzo, tanging propaganda na lamang ng mga prenteng organisasyon ang kayang gawin ng Partido komunista ng pilipinas.
Patunay umano ito ng dumaraming bilang ng mga dating hukbo, militia ng bayan at sympathizers ang nagbabalik loob na sa pamahalaan.
Sa ginanap ng 34th founding anniversary ng 54th IB sa Kiangan, Ifugao, umabot sa humigit kumulang 1.5 milyon ang benefits na iginawad sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (*E*-*CLIP*) at pawang 28 ang beneficiaries ang naging bahagi nito.
Ayon pa kay MGen.Lorenzo, sa kanyang pahayag bilang panauhing pandangal sa pagkakatatag ng 54th IB, binigyan diin nito na handa ang pamahalaan na buong pusong tanggapin ang mga NPA na nalihis ng landas.
Sa huli, muling nanawagan si MGen. Lorenzo na ibaba na ang armas ng mga kasapi ng NPA at handa siyang harapin ang mga ito para pag usapan ang kahit na anong isyu maging ito man ay sosyalismo at komunismo dahil hindi umano dapat magpatayan ang mga pilipino laban sa kapwa Pilipino.
Sa ngayon, may ilang bayan na lamang sa Isabela ang kanilang binabantayan na may puwersa ng NPA at karamihan na sa dating balwarte ng grupo ay kontrolado narin ng 5th ID.
98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, MGen. Pablo Lorenzo, 5th ID, 54th IB, NPA, 34th founding anniversary ng 54th IB, Kiangan Ifugao, Cauayan City, Luzon