Mhel Bhen bus, sumalpok sa poste ng MRT-Guadalupe station

Tinatayang nasa 20 pasahero ang nagtamo ng minor injuries matapos bumangga ang isang bus sa isang poste ng MRT-Guadalupe station kaninang madaling araw.

Sa ulat, binabaybay ng Mhel Bhen Bus Transport na may plate number Aee 2133 ang northbound lane ng EDSA nang biglang nawalan ng preno ang driver at tuluyang bumangga sa concrete post.

Paliwanag ng driver, nahilo daw siya kaya minarapat na lamang niyang ibangga ang minamanehong bus.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MMDA at Makati Rescue sa pangyayari.

Nai-tow na ang sumalpok na bus sa lugar.

Facebook Comments