Manila, Philippines – Nakatakdang maghain ng Petition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Atty. Larry Gadon upang hikayatin ang mga mambabatas na muling ibalik sa dati nitong pangalan na Manila International Airport o MIA na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport na ipinangalan kay dating yumaong Senador Benigno Aquino Jr.
Sa ginanap na Forum sa NANKA Resto sa Quezon City sinabi ni Atty. Gadon hindi akma na ipangalan kay Ninoy ang International Airport dahil isa siyang traydor umano na Senador dahil siya ang nagsimuno sa pagtatag sa NPA at walang karapatan na ipangalan ang Pambansang Paliparan ng bansa.
Paliwanag ni Gadon wala naman aniyang ginawa si Ninoy upang mapaganda ang Pilipinas dahil nilinlang lamang umano ang taongbayan para gawing bayani ng bansa dahil naging Pangulo ang kanyang asawa na si dating Presidente Cory Aquino.
Giit ni Atty. Gadon napapanahon na para ibalik sa dati niyang pangalan ang Pambansang Paliparan ng bansa dahil ito naman talaga ang orihinal na pangalan na Manila International Airport na pamosong pangalan at Neutral walang halong pulitika na madaling matatandaan ng mga turista na nagnanais na magbakasyon sa Pilipinas.