
Aminado ang Manila International Airport Authority (MIAA) na problema ngayon ang kakulangan sa parking space sa NAIA Complex para sa stranded na mga eroplano.
Partikular ang mga eroplanong hindi makalipad patungong Middle East dahil sa nagpapatuloy na giyera sa rehiyon.
Bunga nito, sinabi ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na ang ilang aircraft ay pinadadala na lamang nila Clark International Airport at sa ibang paliparan sa bansa.
Mula February 28, umabot sa mahigit tatlong daang eroplano ang na-stranded sa NAIA dahil sa limitadong air space sa Gitnang Silangan.
Facebook Comments










