MIAA at Bureau of Immigration, puspusan ang ugnayan kaugnay ng mahigpit na profiling sa mga pasahero

78

Manila, Philippines – Mahigpit ang koordinasyon ng Manila International Airport Authority sa NAIA-Immigration kaugnay ng profiling ng mga pasahero.

Partikular ang surveillance, background-checking at information gathering sa mga itinuturing na ‘persons of interest’ na pumapasok sa bansa.

Balak din ng MIAA na magdagdag ng cctv cameras sa NAIA terminals.


Una nang nagdagdag ang Airport Police Department ng isang daang mga bagong tauhan.

Ang bagong APD recruits ay tutulong sa pagpapatupad ng seguridad sa NAIA terminals at sa bisinidad ng paliparan.

Facebook Comments