MIAA at Bureau of Quarantine, nagtutulungan sa pagbabantay laban sa deadly-bacterial infection

 

Nagsanib-pwersa ang Manila International Aiport Authority (MIAA) at ang Bureau of Quarantine (BOQ) laban sa bagong nakamamatay na bacterial infection na sinasabing mula sa Japan.

Kinumpirma naman ni MIAA Spokesperson Chris Bendijo na sa ngayon wala namang pasaherong positibo sa infection ang nakapasok ng bansa.

Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga pasahero na ugaliing maghugas ng kamay habang nasa loob ng paliparan para iwas-sakit.


Tiniyak naman ng MIAA na hindi sila magpapatupad ng pagsusuot ng face mask sa loob ng airport.

Facebook Comments