MIAA at iba pang aviation officials, nag inspeksyon sa NAIA terminals kaugnay ng nalalapit na undas

Isang linggo bago mag-undas, nag-sagawa ng inspeksyon sa National Aquino International Airport 3 o NAIA ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA, Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP at Civil Aeronautics Board o CAB.

Partikular na inikot ng aviation officials ang departure area ng paliparan kung saan dagsa ang mga pasaherong pauwi sa mga lalawigan para sa undas.

Layon nito na matiyak ang mahigpit na seguridad at maiwasan ang mga aberya.


Muli namang nanawagan si MIAA General Manager Ed Monreal sa mga pasahero na dumating sa NAIA, tatlong oras bago ang kanilang flight para sa international flights at dalawang oras sa domestic flights.

Pinahi-hintulutan naman ng MIAA ang mahigpit na prosesong pinai-iral ng airlines sa check in sa kanilang international flights lalo na ang direct flights na patungo ng Amerika at Australia.

Una nang pinulong ni Monreal ang airline companies para plantsahin ang pagha-handa para sa pag-dagsa ng mga pasahero ngayong undas.

Epektibo ngayong araw ang “oplan biyahe ayos” ng MIAA at tatagal ito hanggang sa November 4.

Facebook Comments