Sinilbihan ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ng subpoena ang dalawang district officers ng Port of Manila at Manila International Container Port o MICT.
Ito ay para maisumite sa kanila ang mga dokumento ng mga nagdaang transaksyon dahil nais ng PACC na i-review ito para sa ginagawa nilang imbestigasyon hinggil sa smuggling.
Unang nag-sagawa ng suprise inspection si PACC Commissioner Greco Belgica kasama si Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla.
Matapos nito ay nag-silbi na ang PACC ng subpoena sa opisina ng district collector ng port of manila at MICT.
Sinabi pa ni Belgica na ang hakbang ng PACC ay para tulungan ang customs na linisin ang kanilang hanay sa nangyayaring katiwalian na hangad din ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga dokumentong ito ang susuporta sa kanilang intel reports na nagka-karoon ng pamemeke ng dokumento sa port of manila at MICT para makapagpuslit ng mga kargamento sa bansa.
Bilyong piso aniya ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa talamak na smuggling kaya ito ang kanilang unang hakbang para mapigilan ito.