MIAA, bahagya lang ang nakikitang pagtaas ng volume ng mga pasahero sa NAIA sa darating na Undas

Bahagya lamang ang nakikita ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magiging pagtaas ng volume ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa nalalapit na Undas.

Ayon kay MIAA OIC General Manager Cesar Chiong, posibleng pumalo lamang ng 85,000 kada araw ang mga pasahero sa NAIA ngayong Undas.

Karaniwan aniya kasing tumataas ang bilang ng mga pasahero kapag ganitong panahon ay sa domestic travel.


Sa ngayon, nakakapagtala ang MIAA ng hanggang 75,000 na inbound at outbound passengers sa NAIA terminals kada araw.

Tiniyak naman ni Chiong na nakahanda na ang buong pwersa ng MIAA sa pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA ngayong Undas.

Facebook Comments