Aminado ang Manila International Airport Authority (MIAA) na wala pa silang eksaktong time frame ng pag-usad ng privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay MIAA OIC Bryan Co, habang napag-uusapan ang pagsasapribado sa NAIA tuluy-tuloy aniya ang kanilang improvement sa NAIA terminals lalo na at mas dumadami ang mga dumadagsang pasahero sa bansa.
Sa ngayon aniya, ₱5 billion ang nakalaan para sa improvement ng NAIA terminals.
Kabilang dito ang power system, air-conditioning, passenger automation at airport management system.
Sinabi ni Co na kanilang pinaghahandaan ang inaasahang pagdagsa ng 47-million na mga pasahero sa susunod na taon.
Sa ngayon aniya ay 43-million na mga pasahero ang inaasahan nila para sa taong ito.
Facebook Comments