Hindi ikinatuwa ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kamakailang insidente na kinasangkutan ng isang babaeng Office for Transportation Security (OTS) personnel na napaulat na lumunok ng USD300 na kinuha mismo sa wallet ng papaalis at Chinese na pasahero sa bansa.
Ayon kay MIAA Officer-in-Charge na si Bryan Co, walang lugar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga frontliner ng paliparan na hindi gumagawa ng tama para pagbutihin pa ang serbisyo sa paliparan.
Natapos na rin umano ng OTS ang inisyal na imbestigasyon sa kanilang mga tauhan, na kasalukuyang nasa ilalim ng preventive suspension, habang naghihintay sa malalimang imbestigasyon.
Sa huli sinabi ni Co na nagtitiwala siya sa pamunuan ng Office for Transportation Security, dahil na rin sa mabilisang pagtugon ng tingnan ang CCTV ilang sandali matapos mangyari ang nasabing insidente at aksyunan ang ginawa ng kanilang personel.