MIAA, dumistansya sa pagkalat ng video footage ng pag-alis ni VP Sara Duterte at ng pamilya nito patungong Germany

Tumanggi ang Manila International Airport Authority (MIAA) na makisawsaw sa kumalat na larawan at video ng pag-alis ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang pamilya patungong Germany.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Eric Ines, hindi sila nakikisali sa isyu ng politika at batid aniya nila na may umiiral na Data Privacy Act.

Ang pahayag ng MIAA chief ay kasunod ng paglabas ng open letter ni VP Sara kung saan nabanggit nito ang aniya’y malisyosong pagkalat ng video sa NAIA kung saan nakunan ang kanyang mga menor de edad na anak at asawa.


Dahil aniya sa naturang video footage, nalalagay ngayon sa panganib ang buhay ng kanyang mga anak.

Nakapagtataka rin aniya kasi batid niyang airport insiders lamang ang may access sa loob ng paliparan.

Facebook Comments