Isinisisi ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mataas na heat index ang nangyaring power fluctuation ngayong Miyerkules Santo sa NAIA 2.
Ayon kay MIAA Spokesman Atty. Chris Noel Bendijo, pumalo kasi ngayong araw sa 43¬°C ang heat index sa Pasay City.
Tiniyak naman ni Bendijo na may remedyo nang ginawa ang MIAA Engineering Department para hindi na maulit ang pagkawala ng supply ng kuryente sa paliparan kahit na tumaas ang heat index.
Sa mga oras na ito ay nananatiling normal ang flights sa NAIA 2 bagama’t mainit pa rin sa loob ng paliparan.
Facebook Comments