Kinakalampag na ng Bureau of Immigration (BI) ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa expansion ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay para magkaroon na anila ng mas malaking Immigration area sa airport.
Sa harap ito ng mga pagbatikos sa BI ng mga pasaherong apektado ng mahabang pila sa Immigration counters.
Kasunod na rin ito ng mas lalo pang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA 1 at 3 dahil sa paglipat ng ilang airlines sa naturang terminals.
Sa NAIA 1 pa lamang ay nakakapagtala na ng halos 29,000 na pasahero kada araw o pagtaas ng 48.1%.
Ito ay mula sa dating halos 20,000 international passengers na dumadagsa sa NAIA 1 kada araw.
Habang sa NAIA 3 ay may halos 44,000 na travelers kada araw o pagtaas ng 19.58% mula sa mahigit 28,000 pasahero kada araw.